Unahin ang mga dapat tulungan
Monday, October 17, 2022
ABANTE
Bilang kinatawan ng 1st District ng Davao City sa kasalukuyang Kongreso, isa sa mga unang inihaing panukalang batas ng inyong Kuya Pulong ay ang plano nating gawing libre ang paghahatid ng mga donated relief goods sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Mahalaga ang panukalang ito dahil taun-taon ay hinahagupit ng malalakas na bagyo ang iba’t ibang parte ng bansa. Bukod pa riyan, ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kung saan may panganib ng matinding paglindol at pagsabog ng bulkan.
Kapag sumapit ang kalamidad, maraming mga international at local organizations ang nagdo-donate ng mga pagkain, tubig, damit at iba pang essential goods. Kaso nga lamang, tulad ng mga ilang pangyayari sa nakaraan, ang iba rito ay hindi na nakakarating sa mga nangangailangan.
Kaya naman sa ilalim ng panukala ng inyong Kuya Pulong kasama si Benguet Congressman Eric Yap, ang layunin namin ay pabilisin at tiyakin na ang mga donated relief goods ay mapapakinabangan agad ng mga kinauukulan.
Sa ilalim ng House Bill (HB) 4809, libre na ang cargo o freight service ng mga registered relief organizations kapag sila ay maghahatid ng mga donated items at relief goods sa mga lugar na dineklarang under a state of calamity.
Nakasaad sa HB 4809 o ang panukalang Relief Goods Free Transportation Act na dapat ikarga ng mga cargo companies, freight forwarders at iba pang logistics companies ng libre ang mga donated relief goods.
Ang punto rito ay huwag ng pagkakitaan pa ang kalamidad. Magtulungan na lang tayo.
Isa lamang ang panukalang batas na ito sa mahigit-kumulang na 60 bills na naihain ko sa Kongreso sa unang tatlong buwan ng aking panunungkulan.
Karamihan sa mga bills na aking na-file kasama ang ilan pa nating kapwa-kongresista ay nakatuon sa pangangalaga ng kapakanan ng mga guro, seafarers, senior citizens, calamity victims, magsasaka, freelance workers at iba pang marginalized na sektor ng lipunan.
Sila ang prayoridad ng inyong Kuya Pulong, Kung hindi man kulang ang kanilang representasyon sa Kongreso, kulang naman ang dapat na tinatanggap nilang mga ayuda at benepisyo.
Kaya naman sa aking first 100 days bilang miyembro ng Kongreso sa pangalawang pagkakataon, inuna nating bigyan ng ayuda ang mga mangingisda, mga driver ng tricycle at jeepney at mga street vendor sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Worker ((TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Tulad ng nasabi ko na dati, nag-screen ng mabuti ang ating tanggapan ng mga aplikante sa TUPAD para matiyak na mga karapat-dapat ang mabibigyan ng emergency employment at sahod sa ilalim ng programang ito.
Natulungan din nating mabigyan ng scholarships ang mga mahihirap na estudyante at mga TESDA trainees, at ng medical assistance naman ang mga pasyenteng walang pambayad sa pagpapagamot.
Nakaantabay rin palagi ang ating opisina para makapagbigay ayuda agad sa mga nasalanta ng bagyo at sunog. Nakapamahagi rin tayo ng mga food pack at wheelchair sa mga bahay ampunan at mga home for the aged sa Davao City.
Nakatulong din tayo sa pagpapatayo ng mga evacuation center, Lamayan ng Bayan at multipurpose halls, at pamamahagi ng patient transport vehicles para sa mga maysakit.
Lahat ‘yan ay parte ng tungkulin natin bilang kinatawan sa Kongreso. Makakaasa kayo na sa buong panahon ng aking panunungkulan, ang laging uunahin ko ay ang kapakanan ng mga naghihirap nating kababayan. Sila ang dapat unang tulungan.
Nov 30, 2024
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Aug 28, 2024
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Aug 24, 2024
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Aug 18, 2024
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Aug 15, 2024
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Aug 14, 2024
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.