top of page
STATEMENT OF REP. PAOLO “PULONG” DUTERTE
Mr. Matibag, huwag kang Marites.

Tuesday, September 8, 2026

First Congressional District Communication and Information Office

STATEMENT OF REP. PAOLO “PULONG” DUTERTE
Mr. Matibag, huwag kang Marites.

Mr. Matibag, huwag kang Marites.


Kung tungkol sa mga flood control project sa aking distrito ang pinag-uusapan, nasa DPWH ang records, procurement documents, contracts, at iba pang detalye.


Hindi kailangang magpakitang-gilas sa media na parang may inilalabas na bagong impormasyon gayong ang mga dokumentong kailangan ninyo ay nasa ahensiyang inyong iniimbestigahan..


Kung may irregularidad man sa pag award sa proyekto,dapat lang imbestigahan pero kung dumaan sa tamang proseso, legal ang award, natapos nang maayos ang proyekto, at walang nakurakot na pera ng bayan,di naman siguro illegal kung sa iilang tao lang na award…


Ang tunay na dapat tutukan ng NBI ay hindi kung sino ang paulit-ulit na nananalo sa kontrata, kundi kung may overpricing, ghost projects, substandard construction, kickback, o anumang pagnanakaw sa kaban ng bayan.


Kung may ebidensiya kayo ng krimen, ilabas ninyo at panagutin ang dapat managot. Pero kung wala, tigilan ang trial by publicity at ang pagpaparinig na parang may hatol na bago pa matapos ang imbestigasyon.

At kung talagang seryoso kayo sa flood control investigation, DPWH ang kausapin ninyo. Nasa kanila ang trail ng bawat proyekto—mula sa appropriation, bidding at award, hanggang implementation at payment.


Huwag ninyong gawing personal ang imbestigasyon.


Trabaho ninyo ang mag-imbestiga. Trabaho ninyong maghanap ng ebidensiya. Hindi ninyo trabaho ang mag-Marites.


NAA NA SA IMONG SIMOD ANG FLOOD CONTROL KORUPSYON DODONG AYAW NA'G LAYO .... ILARA TA TITS...

Sep 8, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Sep 7, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 31, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 25, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 25, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 23, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next
bottom of page