Statement of Rep. Paolo Duterte (May 01, 2026)
Friday, May 1, 2026
First Congressional District Communication and Information Office

May kumakanta na namang tweety bird.
Ayon sa kanya, biglang naging uso ang SALN—hindi para sa transparency, kundi para sa timing.
May mga kasamahan daw ako sa Kongreso na tila “naaalala” lang bigla kapag hindi sumusunod sa script. Coincidence? Siyempre, “coincidence.”
Kung totoo man ang mga kuwentong ito, mukhang may bago tayong sistema—vote wisely… or we’ll look closely on your SALN.
Ayos ‘yan ah—accountability na may kasamang kondisyon.
Pati raw sa Senado, may mga kumakausap na. Busy ang iba—hindi sa pag-aayos ng problema ng bayan—kundi sa pag-aayos ng boto. Mukhang hindi lang presyo ng bilihin ang minamanage, pati desisyon ng mga halal na opisyal.
At ‘yung sinasabing “on the bag” na ang kesong puti? Sana hindi natin ginagawang grocery item ang konsensya.
Ang boto sa impeachment ay hindi raffle ticket, hindi utos, at lalong hindi dapat produkto ng pressure. Mandato ito ng taumbayan.
Kaya sa aking mga kapwa mambabatas, hindi tayo inihalal para sumunod sa bulong—kundi para tumayo sa prinsipyo.
Kung may mananakot, may magpapakita rin ng paninindigan. At sana, sa dulo, hindi takot ang mananaig—kundi ang tama.
Pakinggan niyo ang sigaw nga mga constituents niyo…kung may pinangako mang ayuda sa inyu,isipin ninyu ang taumbayan na nag ambag para dyan…
May 1, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Apr 29, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Apr 28, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Apr 27, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Apr 17, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Feb 13, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
