top of page
Paolo Duterte naging abala sa pagtulong sa mga kababayan

Tuesday, October 11, 2022

TNT Abante

Paolo Duterte naging abala sa pagtulong sa mga kababayan

Naging abala si Davao City Rep. Paolo Duterte sa pagtulong sa kanyang mga constituent sa unang tatlong buwan ng kanyang ikalawang termino.

Mahigit 30,000 indibiduwal ang natulungan ng tanggapan ni Duterte mula Hulyo hanggang Setyembre.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE) nakapagbigay ang tanggapan ni Duterte ng Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Worker (TUPAD) benefits sa May 8,160 mangingisda at 5,799 public utility vehicle (PUV) driver. Nabigyan din ng TUPAD benefits ang 923 street vendors.

“We had carefully profiled the TUPAD applicants to ensure that only those who deserve them are granted the benefits of the program. We are continuing to screen thousands of other applicants, especially those severely affected by the economic shock from the pandemic, to assist the DOLE in effectively implementing TUPAD in Davao City,” sabi ni Duterte.

Ang TUPAD ay programa ng gobyerno kung saan nabibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga nawalan ng trabaho, underemployed at seasonal workers. Tumatagal ang trabaho ng 10 hanggang 30 araw.

Nakapagbigay din ang tanggapan ni Duterte ng scholarship at educational assistance sa 802 estudyante at 207 indibidwal ang nabigyan ng libreng training sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority.

Sa tulong ni Benguet Rep. Eric Yap, nagkaroon din ang unang distrito ng Davao City ng limang patient transport vehicle.

Siyam na gusali– evacuation center, multipurpose building, at Lamayan ng Bayan ang naipatayo sa tulong ng tanggapan ni Duterte.

Nakapagbigay din ang tanggapan ni Duterte ng hospitalization at medical assistance sa 4,532 pasyente ng Southern Philippines Medical Center at 8,929 pasyente ng pribadong ospital.

Tinulungan din ng tanggapan ni Duterte ang 204 pamilya na biktima ng flashflood at 701 indibidwal na nasunugan. Nakapagbigay din ito ng 120 wheelchairs at food packs sa 28 ampunan sa lungsod. (Billy Begas)

Aug 28, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 24, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 18, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 15, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 14, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 12, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next
bottom of page