top of page
MENSAHE NI REP. PULONG PARA SA ARAW NG KALAYAAN

Wednesday, June 11, 2025

First Congressional District Communication and Information Office

MENSAHE NI REP. PULONG PARA SA ARAW NG KALAYAAN

Ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, alalahanin natin ang tapang at sakripisyo ng ating mga bayani na naghandog ng kanilang buhay upang tayo ay maging malaya.  Hindi lamang ito araw ng kasiyahan, kundi paalala rin na ang ating kalayaan ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit para sa bayan.  


Ipinapaalala rin nito na responsibilidad nating lahat na ingatan at ipaglaban ang mga prinsipyong ipinaglaban ng ating mga ninuno. 


Ngunit sa kabila ng selebrasyong ito, may kirot sa ating damdamin. Habang inaalala natin ang mga sakripisyo ng ating mga bayani, ang aking amang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay patuloy na nakakulong sa Hague ICC detention cell—isang pagkakakulong na hindi dumaan sa tamang proseso, walang paggalang sa ating mga korte, at pagyurak sa ating soberanya bilang isang malayang bansa. 


Sa simpleng salita, siya ay kinidnap ng isang administrasyong hindi kumikilala sa due process at hindi nirerespeto ang ating sistema ng hustisya—mga haligi ng isang demokratikong lipunan.  


Isang masakit na paalala ito na sa kabila ng ating makabagong panahon, nananatiling buhay ang laban para sa hustisya.  Ngunit tayo ay magpapatuloy. Ang kalayaan ay biyayang dapat bigyang halaga—ito ang nagbibigay sa atin ng lakas at pag-asa para mangarap at magsikap para sa ating pamilya, komunidad, at bayan. 


Bilang inyong kinatawan sa Kongreso, naninindigan akong ipagpatuloy ang adbokasiya para sa katarungan, kapayapaan, at tunay na kaunlaran.  Magkaisa tayo sa layuning ito. Ipagpatuloy natin ang laban para sa isang kinabukasang karapat-dapat sa sakripisyo ng ating mga bayani—at ng aking ama.  


Mabuhay ang Davao! Mabuhay ang Pilipinas! 

Maligayang Araw ng Kalayaan! 


 At huwag nating kalimutan: ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang tapang na ipaglaban ang ating minamahal, kahit pa tayo’y iwanan o talikuran ng mundo.  Ipagpatuloy natin ang laban para sa hustisya ng aking ama. 


Magandang araw sa inyong lahat.

Jun 18, 2025

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jun 11, 2025

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

May 23, 2025

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Apr 12, 2025

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Apr 3, 2025

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Apr 3, 2025

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next
bottom of page