Duterte itinulak pagsasabatas ng National Land Use Policy
Tuesday, November 1, 2022
Abante TNT

Sa gitna ng kalunos-lunos na sinapit ng maraming komunidad sa pananalasa ng bagyong ‘Paeng’, nanawagan si Davao City Rep. Paolo Duterte sa agarang pagsasabatas ng National Land Use Policy upang magamit ng angkop ang mga lupa sa bansa.
Ayon kay Duterte dapat matukoy ang lupa na angkop na gamitin sa pabahay, sakahan, komersyal at iba pang pangangailangan.
“We often mention the National Land Use Act (NLUA) in the context of ensuring food security by, for one, preventing the conversion of agricultural lands to housing and commercial projects. But the rational and efficient planning and use of our land resources is also vital in ensuring that we get to identify high-risk and danger-prone locations in our communities,” sabi ni Duterte.
Inihain nina Duterte, Benguet Rep. Eric Yap, ACT-CIS party-list Representatives Edvic Yap at Jeffrey Soriano ang House Bill 3956 upang magkaroon ng malinaw na National Land Use Policy ang bansa.
Sinabi ni Duterte na ang NLUA ay sinertipikahang urgent ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang matugunan umano ang mga pangangailangan sa pagkain, pabahay at proteksyon sa kalikasan.
Makatutulong din umano ang polisiya sa paglalatag ng mga lokal na pamahalaan ng kanilang climate-resilient development plan.
Sa ilalim ng panukala ay lilikhain ang National Land Use Policy Council na pamumunuan ng kalihim ng National Economic and Development Authority at magsisilbing highest policy-making body sa usapin ng paggamit ng lupa.
Apr 12, 2025
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Apr 3, 2025
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Apr 3, 2025
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Mar 24, 2025
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Mar 23, 2025
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Feb 21, 2025
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.