top of page
Statement of Congressman Paolo "Pulong" Duterte "re-epicenter" (August 25, 2026)

Tuesday, August 25, 2026

First Congressional District Communication and Information Office

Statement of Congressman Paolo "Pulong" Duterte "re-epicenter" (August 25, 2026)

Boying Remulla, bago ninyo ideklara na Davao City ang “epicenter” ng flood control corruption noong Duterte administration, baka puwedeng silipin muna ninyo ang mismong records ng DPWH.


Nang maupo ako bilang Congressman ng 1st District of Davao City noong 2019, DPWH XI furnished me a copy of its list of completed projects covering 2020–2022. I have my copy.


Kung wala kayo, sabihin ninyo at padadalhan ko kayo. Para pareho tayong may binabasang dokumento bago magbitiw ng mabibigat na akusasyon.


At kung imbestigahan niyo ang Davao dapat hindi lang during my term po ha, 2019 lang po ako naupo na congressman sa aming lugar. Long before I became congressman, Nograles po ang congressman sa aming distrito.


Kung seryoso tayo sa paghahanap ng katotohanan, walang dapat piliing taon, pangalan, partido, o administrasyon. Kung may anomalya, imbestigahan. Kung may ebidensya, ilabas. Pero huwag gawing shortcut ang political narrative para makabuo ng konklusyon.


Malaki pa rin ang tiwala ko sa Ombudsman bilang bantay ng kaban ng bayan. Hindi lang naman kayo ang Ombudsman. Naniniwala akong marami pa ring opisyal at empleyado diyan na may malasakit, integridad, at konsensya para sa bayan.


Kaya sana, Jesus Crispin Remulla, huwag sana tayong pa dalos dalos sa pag bitiw ng mga salita at baka ikasisira lang ito sa kredibilidad ng institusyon lalu na at nasa pag iimbestiga pa lang kayo na stage. Ang Ombudsman ay dapat naghahanap ng katotohanan—not convenient villains.


At kung Davao ang tinutukoy ninyong “epicenter,” then show us the complete records. Lahat ng taon. Lahat ng proyekto. Lahat ng pangalan. Walang pili. Walang exempted.


Kumusta na pala yung imbestigasyon nyo sa trilyon pisong flood control corruption mula 2023 hanggang kasalukuyan? May listahan din ba sila ng nakumpletong mga infra projects tulad ng sa Davao City 1st District?


And speaking of baha, parang ilang linggo na yata ang baha sa ibat-ibang bahagi nga Luzon na hindi pa rin humuhupa, mukhang mas malubha pa yata ang mga yan kesa sa flood control epicenter na bansag niyo sa mahal kong Dabaw.

Aug 25, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 25, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 23, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Aug 2, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 30, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 29, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next
bottom of page