Statement from Rep. Paolo Duterte (July 7, 2026)
Tuesday, July 7, 2026
First Congressional District Communication and Information Office

Nakakatuwa talagang pakinggan ang ilan sa ating mga self-proclaimed political analysts.
Ang problema, habang parami nang parami ang kanilang mga salita, parang paliit naman nang paliit ang koneksyon nila sa realidad.
Sa totoo lang, mas interesado akong pakinggan ang isang kargador sa pantalan, isang tricycle driver, isang magsasaka, o isang ordinaryong manggagawa kaysa sa mga pundit na buong araw nakaupo sa air-conditioned studio habang nagpapaliwanag kung ano raw ang nararamdaman ng taumbayan.
Ang kaibahan kasi, ang ordinaryong Pilipino ay hindi nag-aanalisa mula sa teorya. Nabuhay siya sa ilalim ng magkaibang administrasyon.
Naranasan niya kung ano ang presyo ng bigas, kuryente, gasolina, kriminalidad, at trabaho noon at ngayon. Iyan ang tunay na political science ng masa—hindi iyong nakukuha sa endless TV appearances at social media commentaries.
Kapag binabasa ko ang ilan sa kanilang mga pagsusuri, parang gusto kong tanggalin ang muta sa mata ko para masigurong tama ang nababasa ko.
Minsan naman parang gusto kong ipalinis ang tenga ko dahil hindi ako makapaniwalang may mga taong ganyan ang konklusyon matapos ang lahat ng nangyayari sa bansa.
At huwag na tayong magkunwari. Ang iba diyan, bago pa magsimula ang pagsusuri, alam mo na agad ang magiging konklusyon.
Kumbaga sa pabango, hindi man nila aminin ang kanilang kulay pampulitika, ang amoy ng kanilang opinyon ay umaalingasaw na parang pinaghalong Kakampink at bangag loyalist perfume.
Hindi masama ang magkaroon ng opinyon. Ang masama ay ang magpanggap na neutral habang kitang-kita ng publiko kung saan nakapuwesto ang simpatiya.
Sa huli, hindi ang political analysts ang boboto sa 2028. Hindi rin sila ang sukatan ng pulso ng bayan. Ang magpapasya ay ang mga ordinaryong Pilipino na araw-araw nakikipagsapalaran para mabuhay.
At sa aking karanasan, mas mapagkakatiwalaan ko pa ang sentimyento ng isang manggagawang pawis ang puhunan kaysa sa isang analyst na laway lang ang puhunan pero nakatanggap na agad ng paper bag.
Basta sa bandang huli,kitang kita ng mga tao na kahit ang mga pinklawan at mga makabayan ay handang pagtakpan ang flood control at iba pang pagnanakaw na ginagawa ng bangag administration matanggal lang ang pinakamalaking hadlang sa kanilang pangarap na magtagumpay sa 2028…
PAGPUYO MO Oi MURA MOG KOREK!
Jul 20, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Jul 20, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Jul 7, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Jul 6, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Jul 6, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
Jul 6, 2026
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.
