top of page
Pahayag ni Congressman Paolo Duterte (June 4, 2026)

Thursday, June 4, 2026

First Congressional District Communication and Information Office

Pahayag ni Congressman Paolo Duterte (June 4, 2026)

Nakakatawa at nakakalungkot panoorin ang mga senador na ilang araw ring nagsasabing gusto lamang nilang magtrabaho, ituloy ang mga pagdinig, at pairalin ang institusyon.

Ngunit nang akala nila ay nakuha na nila ang kapangyarihan, ang una nilang ginawa ay ideklarang adjourned sine die ang Senado.

Nasaan ngayon ang kanilang sinasabing pagmamadali para magtrabaho? Nasaan ang mga pagdinig na dati nilang ipinaglalaban? Maliwanag na ang tunay na laban ay hindi trabaho kundi kontrol.

At sa Tulfo brothers sa Senado, napakadaling magpanggap na matapang sa harap ng kamera at mikropono. Matagal nyo nang ginagamit ang mikropono bilang sandata at ang galit ng publiko bilang puhunan.

Ngunit ang Senado ay hindi programa sa telebisyon. Hindi ito ratings game. Hindi ito entabladong ang pinakamalakas sumigaw ang siyang tama.

Ang nakikita ngayon ng taumbayan ay isang grupo na nagsasabing ipinaglalaban nila ang institusyon habang sila rin ang unang nagsakripisyo rito nang magkaroon sila ng pagkakataong makontrol ito.

Ang kapangyarihan ay hindi sinusukat sa dami ng kakampi. Sinusukat ito sa kakayahang manatiling tapat sa prinsipyo kahit hindi pabor sa iyo ang sitwasyon.

At sa puntong ito, maraming Pilipino ang nagtatanong—trabaho ba talaga ang habol ninyo, o kapangyarihan lamang?

Pagsisilbi ba sa bayan ang gusto niyo o mayroon lang kayong gustong pagtakpan…

KAMO MGA TULPOK UNSA DIAY MO KA GAMHANAN ? WA GANI MOY NAHUMAN DBA? UTRO MO BAGAG NAWONG? BAHO PA GANI MO BABA DBA?

— Rep. Paolo Duterte

Jul 20, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 20, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 7, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 6, 2026

Previous
Next
bottom of page