top of page
Statement of Congressman Paolo Z. Duterte on the 2026 State of the Nation Address

Monday, July 27, 2026

First Congressional District Communication and Information Office

Statement of Congressman Paolo Z. Duterte on the 2026 State of the Nation Address

Sinabi ng Pangulo na nalulungkot siya sa kinakaharap na kasong plunder ng kanyang pinsan na si Martin Romualdez. Dagdag pa niya, bilang Pangulo ng Pilipinas at hindi lamang ng kanyang pamilya o mga kaibigan, kailangan niyang tanggapin ang nangyayari.


Maganda sanang pakinggan ang pahayag na iyan kung pareho rin ang ipinapakitang malasakit sa sambayanang Pilipino. Habang naaawa siya sa kanyang pinsan, kailan siya huling naawa sa milyun-milyong Pilipinong lugmok sa kahirapan, dumadaing sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng pagkain, mataas na singil sa kuryente, at patuloy na pagliit ng halaga ng kanilang kinikita?


Marami na namang matatamis na pangako ang narinig natin. Marami na namang ipinagmamalaking tagumpay. Ngunit may isang bagay na kapansin-pansing hindi niya matalakay—ang mga isyung matagal nang hinihingan ng sagot ng taumbayan.


Kung tunay na "Pangulo ng Pilipinas" ang nais niyang ipakita, hindi sapat ang pagpapakita ng kalungkutan sa sinapit ng isang kamag-anak. Mas mahalagang ipakita ang tapang na panagutin ang sinumang nasa likod ng mga alegasyon ng katiwalian, anuman ang kanilang apelyido, posisyon, o impluwensiya.


Hindi simpatiya para sa mga makapangyarihan ang hinihingi ng taumbayan. Ang hinihingi nila ay katotohanan, pananagutan, at hustisya.


Hangga't hindi nasasagot ang mga tanong tungkol sa bilyun-bilyong pondong ginugol sa flood control, sa kontrobersiya ng PhilHealth funds, at sa Maharlika Fund, mananatiling kulang ang anumang SONA sa mata ng mga Pilipinong patuloy na naghihirap.


Ang tunay na kalagayan ng bansa ay hindi nasusukat sa palakpakan sa loob ng Batasang Pambansa. Nasusukat ito sa laman ng hapag-kainan ng bawat pamilya, sa presyo ng mga bilihin, sa kalidad ng serbisyo ng gobyerno, at sa tiwalang unti-unti nang nawawala sa mga institusyon ng pamahalaan.


Way bayad ang pagpangatik, Bangag. Pero isa ang dili ninyo maatik—ang mga isyu sa flood control, ang PhilHealth funds, ug ang Maharlika Fund nga gibalutan sa mga alegasyon sa korapsyon.  Atika ta, Tits!

Jul 27, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 26, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 20, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 20, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 7, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jul 6, 2026

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next
bottom of page