Panukalang ‘free freight’ services sa mga relief goods na i-transport sa mga calamity-hit areas isinusulong sa Kamara

Friday, 7 October 2022

BOMBO RADYO

Panukalang ‘free freight’ services sa mga relief goods na i-transport sa mga calamity-hit areas isinusulong sa Kamara

Isinusulong nina Davao City Representative Paolo Duterte at Benguet Representative Eric Yap na gawing libre na lamang ang paghahatid ng mga relief goods sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Batay sa inihaing House Bill 4809 o Relief Goods Free Transportation Act, aatasan ang Logistics Cluster ng Office of Civil Defense katuwang ang Philippine Postal Corporation at lahat ng freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders, at iba pa na huwag ng maningil ng bayad lalo na sa mga registered relief organization para sa pagbiyahe ng relief goods sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity.

Layon din ng panukala na gawing mabilis at sistematiko ang relief operations na magliligtas sa buhay ng mga biktima ng sakuna.

Binigyang-diin ng mga mambabatas na bilang archipelagic ang Pilipinas, mangangailangan ng mabilis na paraan ng pagbiyahe ng mga relief goods lalo at madalas tamaan ng bagyo ang Pilipinas.

Dagdag na nito na ikukunsidera ang ilang auxiliary cost sa pagbiyahe upang hindi malugi ang pribadong sektor na tutulong sa pag deliver ng mga relief goods.

29 Nov 2022

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

28 Nov 2022

25 Nov 2022

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

25 Nov 2022

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next