E-commerce bill ni Paolo Duterte, pakner ng SIM registration vs scammer

Tuesday, 25 October 2022

TNT Abante

E-commerce bill ni Paolo Duterte, pakner ng SIM registration vs scammer

Itinulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang agarang pagsasabatas sa e-commerce bill na naglalayong tiyaking ligtas ang mga internet transaction at palaguin ang internet economy ng bansa.

Ayon kay Duterte ang inihain nitong Internet Transactions bill (House Bill 3050) ay makakatuwang ng SIM Registration Act na naisabatas kamakailan para mas maproteksyunan ang publiko sa panloloko.

“In order to protect the merchant and the consumer, an effective regulation of commercial activities through the internet or electronic means must be established,” sabi ni Duterte.

Ayon kay Duterte layunin ng kanyang panukala na pagkatiwalaan ang sistema ng kalakalan sa pamamagitan ng internet at hikayatin ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na gamitin ito upang mapalawak ang kanilang negosyo.

Sa ilalim ng panukala ay titiyakin na mapoproteksyunan ang karapatan ng mga mamimili at magkakaroon ng patas na pagnenegosyo at sisiguruhin na ligtas ang online transaction, at titiyakin na sumusunod ang lahat sa itatakdang pamantayan.

Itatayo rin ang E-Commerce Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry na magsisilbing virtual one-stop shop na tatanggap ng mga reklamo sa internet transaction.

Lumago ang online retail at iba pang e-commerce service sa bansa nang magkapandemya, ayon sa loob.

Sa 2025 ay inaasahang lalago ang gross merchandise value ng bansa sa $40 bilyon mula sa $17 bilyon noong nakaraang taon.

7 Dec 2022

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

6 Dec 2022

5 Dec 2022

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next