Duterte pinayuhan ang apong si Rigo tungkol sa politika

Tuesday, 18 October 2022

ABANTE TNT

Duterte pinayuhan ang apong si Rigo tungkol sa politika

Tatlong henerasyon ng pamilya Duterte ang nagkita-kita kamakailan sa bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumisita sa dating Pangulo si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, at anak nitong si Rodrigo “Rigo” Duterte II.

Nag-usap ang tatlo tungkol sa buhay ng dating Pangulo matapos ang kaniyang termino noong Hunyo, sa mga ginagawa ni Rep. Duterte bilang kongresista, at sa plano ni Rigo para sa hinaharap, ayon sa pahayag na kasama ng mga litrato ng tatlo na ipinadala sa media.

Pinayuhan ng dating Pangulo ang 24-anyos na si Rigo na panatilihing bukas ang kaniyang mga opsyon bago magdesisyon kung papasok sa politika o hindi.

Hinimok naman ni Rep. Duterte ang kaniyang anak na gumawa ng mga bagay na makakatulong sa mga Dabawenyo.

Sinabi ni Rep. Duterte na ang Duterte brand ng pagseserbisyo ang pinagkakatiwalaan ng mga taga-Davao.

Ilang beses ng si Rigo ang kumatawan sa kaniyang ama sa mga aktibidad sa Davao City.

Kamakailan ay pinangunahan nito ang turnover ng gymnasium at Lamayan ng Bayan sa Barangay Talomo at namigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Barangay 76-A Bucana.

29 Nov 2022

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

28 Nov 2022

25 Nov 2022

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

25 Nov 2022

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next